Ang marketing nila is about the relationship, matututo din tayo sa sermon ni Lola Ni Dora na "Sa Tamang Panahon." Halimbawa, kung ikaw ay lalaking gustong manliligaw sa isang babae, hinde mo naman pwedeng sabihin sa babae at madaliin na sagutin ka kaagad diba?
Ano ang dapat mong gawin? Gagawa ka ng paraan para mapasagot mo siya diba? Susuyuin mo siya, liligawan para makilala ka at magustuhan ka niya at mapasagot mo siya.
Ganun din as a marketer, hindi mo mapipilit ang mga customers mo na bumili kaagad sa produkto na inoofer mo. Gagawa ka ng strategy para makilala ka at pagkatiwalaan ka niya. Ang benefit na ibibigay mo ay dapat nasa laging nasa customer at potential prospects para matulungan mo sila at mag-provide ng solusyon sa problema nila.

Marketing Lesson # 1: GIVE VALUE TO YOUR AUDIENCE
Kahit sino namang tao, kaya mag-dubsmash eh. Pero yung value na binigay nila
sa mga audience ay kakaiba. Nakuha nila yung atensyon ng masa kaya kahit sino mapapatigil sa ginagawa nila at manonod na lang ng "kalyeserye" at aabangan talaga ito araw-araw!
Ikaw as a marketer, paano mo makukuha ang atensyon ng mga prospects mo para sa'yo sila bumili at hindi sa iba? Anong value ba ang kaya mong ibigay?
Marketing Lesson #2: BE YOUR SELF
It's just an accident! Nagumpisa ito simula nung aksidenteng nakita ni Yaya Dub si Alden na na-capture ng screen habang siya ang nag-dadubsmash. Tuwang-tuwa siya dahil love ng mga lalake ang isang babaeng may sense of humor. Nalaman ng mga staff na may crush si Yaya Dub kay Alden kaya naging conscious si Yaya Dub nang nakita niya si Alden sa screen.
Sino ba namang hindi ma-coconscious kapag nakita mo ang crush mo na nakatingin sa'yo diba?
Dapat mong ipakita yung natural na ikaw, hinde mo kailangan maging tulad ng iba. Mas gusto ng mga tao kung ano yung totoong ikaw at hinde yung plastik.
Marketing Lesson #3: BE PATIENT AND PERSISTENT
Sabe nga ni lola ni dora "Kung may gusto kang makuha, paghirapan mo. Maghintay ka sa tamang panahon" Nagdubsmash lang kayo na agad? Hinde pa nga nagkikita?
Maraming mga challenge na binigay si Lola Ni Dora kay Alden para mapatunayan na karapatdapat siya.
"ANG GUSTO KO LANG NAMAN AY ANG PAG-IBIG SA TAMANG PANAHON…
LAHAT NG BAGAY PINAG TIYA-TIYAGAAN,
LAHAT NG BAGAY PINAGHIHIRAPAN,
LAHAT NG BAGAY PINAGSUSUMIKAPAN.
WALANG KAKAHANTUNGAN ANG MGA BAGAY NA MINAMADALI…
FANSIGN LANG, LOVE NA?
TEXT TEXT LANG, KAYO NA?
ANO ‘TO?
MAS MAGANDA ANG MGA BAGAY PAG PINAG TIYA-TIYAGAAN
AT DUMARATING SA TAMANG PANAHON…
TANDAAN NIYONG LAHAT…
MASARAP UMIBIG…
MASARAP ANG INSPIRASYON…
HUWAG LANG MINAMADALI…
LAHAT NG BAGAY NASA TAMANG PANAHON.” --- LOLA NIDORA
Ganun in real life at sa business mo, hindi mo makukuha ang success in just one click. Pinaghihirapan po ito, alam ko maraming ring mga challenges kang ma-eexperience pero part 'yun ng way mo papunta sa pagiging successful dahil hinde mo masasabing pinaghirapan mo ang isang bagay kung hinde ka naghirap na makuha ito. Katulad ito ng pagpapahirap ni Lola kay Alden, hindi naman mawawala sa teleserye ang mga kontrabida diba? Boring na kapag puro happy ending na lang at walang challenges diba?
Marketing Lesson # 4: STUDY AND LEARN NEW STRATEGY
Ang strategy ng Aldub fever ay panatilihin ang mistery sa kanila. Hanggang ngayon hinde pa rin sila magtagpo dahil 'yun ang inaabangan ng mga audience eh, sabi nga ni Alden nung napanood ko sya sa Jessica Soho, Talagang hindi pa sila nagkikita ng personal, kahit anong communication ay hindi talaga sila naguupsap. Kung hindi mo napanood yung interview ni Yaya Dub sa Jessica Soho, hindi mo talaga maririnig yung tunay sa boses niya. At dun sila nagiging misterious kaya pumatok sa masa.
Ikaw as a marketer anong strategy ang ginagawa mo para magkaroon ng curiosity ang mga prospects at customers mo? Kailangan nag-iimprove tayo at nagaaral ng mga strategy para maging mysterious din tau :D
Read Related Post: 6 Na Maling Akala Ng Mga Taong Negative At Walang Mararating Sa Buhay
P.S Nakarelate ka ba? I hope na marami kang napulot na aral dito kahit yung iba puro kalokohan lang :D May alam ka pa bang marketing lesson? Comment ka lang sa baba...