“8 QUESTIONS TO ASK IN ORDER TO CLOSE A SALE”
“8 QUESTIONS TO ASK IN ORDER TO CLOSE A SALE”
Ayaw ba nila sumali sa opportunity mo?
After ng business presentation pinapauwi mo na ba agad ang prospect mo?
Ang sinasabi mo sa kanya ay contactin ka na lang kapag ready na sya magjoin. Yung tipong hindi mo na alam ang sasabihin mong susunod. Ikaw pa ang mahihiya para sa kanya tanungin kung gusto niya magjoin.After ng business presentation, and next step ay ang pagcoclose ng sale.
Importante itong part na ito kasi eto ang magpoproduce ng kita sa business mo. Kahit gaano kaganda ang business presentation mo kung hindi mo naman maayos naclose yung sale, hindi rin bibili sayo ang prospect mo.
Imagine if meron kang 100% conversion rate. Yung tipong lahat ng prospect na napepresentan mo ay magjojoin sayo. Gusto mo ba yun?
Eto ang mga steps at para maclose ng maayos ang prospect mo.
1. Ano ang pinakanagustuhan mo? Ang unang una mo itatanong sa prospect mo after ng presentation ay kung ano yung pinakanagustuhan niya sa buong presentation. Kung ano kasi ang tumatak sa isipan niya, malamang related yun sa reason why niya. So dig deeper at magtanong ka pa kung ano specifically doon sa nagustuhan niya ang umagaw sa pansin sa kanya. Tapos tanungin mo kung bakit para mahuli mo yung deep why niya.*in case na online marketing ang style mo at meron kang sales video presentation before mo itanong ito, ang una mo itatanong ung ay kung napanuod na ba niya ng buo ang video.
2. Magkano ang gusto mong monthly income? Kung prospect mo siya sa business most likely yung compensation plan ang nagustuhan niya. So ang next mong tanung ay kung ano ang gusto niyang maging monthly extra income sa business na offer mo kahit na working part-time. Dapat masabi niya ang exact figure na gusto niya kitain. Dito mo masusukat ang kanyang psychological wallet. So maeestimate mo na kung hanggang saan ang realistic income sa kanya.
3. Ilang oras ang pwede mo ilaan para makuha ang gusto mong income? Dito naman sa tanog na ito, mapapagcommit mo siya ng hindi niya alam. Kapag sinabi niya kung ilang oras kada araw ang kailangan niya ibigay para sa business, alam niya kung na ito dapat ang ibigay niyang talagang oras. Tapos ikaw naman ay magaact as consultant at sasabihin kung feasible ba yung income niya sa hours na willing siya icommit.
4. Ano yung pinakamalaking benefit sayo at sa family mo? Isummarize mo ang income na gusto niya at oras na ilalaan niya tapos itanong mo ‘to. Etong tanong na ito ay ang “reason why digger question” kasi dito mo mapapalabas sa mismong bibig ng prospect ang magiging alas mo sa kanya. Dito na rin niya marerealize na kailangan nga niya talaga ng opportunity mo at siya na mismo ang magcoclose sa sarili niya.
5. Gaano ka kaseryoso? Ang next move mo ay ichallenge siya to verify kung eto talaga ang kanyang deep why. Kung totoo ang deep why niya hindi niya pwedeng sabihin na hindi siya seryoso sa reason na sinabi niya. Kung napapansin mo mula kanina puro ikaw ang nagtatanong. Eto ang secret ng closing technique. Kung sino ang nagtatanong siya ang nagcocontrol ng convesation.
6. Kung ituturo ko kung paano mo makukuha ang income at lahat ng sinabi mo gamit ang business na ito, willing ka bang makinig para matuto, at willing ka bang gawin ang dapat gawin? Eto na ang third yes na answer niya dahil kapag hindi ang sagot niya para narin niyang sinabi na joke lang ang mga una niyang sinabi. After niya sabihin ang yes ibig sabihin nun ready na siya to take action.
7. I think ready ka na magsimula, eto ang susunod mong gagawin. Since ready na siya gumawa ng aksyon, ituturo mo na sakanya ang step by step way kung paano magenroll as a distributor sa company mo. Sa huli itanog mo kung kelan niya mababayaran yung payin para massist mo rin siya step by step. Dito sa step na ito kung meron pa siyang natitirang questions o objections sasabihin niya. Dapat mo lang ihandle ng maayos ang objection niya na ito. Sa article na ito hindi mo ko matuturo kung paano maghandle ng objection kasi isang malaking topic din ito.
8. Ok. Update mo na lang ako kung magbayad ka na para matulungan kita sa next steps na gagawin mo. Welcome. Ayun na. naclose mo na ang sale. So i highly recommend na pagaralan mo na ang paghandle ng objections kasi magagamit mo ito sa last part.
Actually kahit saang part ng sponsoring process magagamit mo ito dahil anytime during the qualifying, inviting, presentation, closing at follow-up pwede siyang magtanong. And this is a good sign.If gusto mong marinig kung paano binabagsak ang mga closing questions na ito, panuorin mo yung video na ito.>>>http://bit.ly/2aM5lFu