Martes, Abril 12, 2016

5 Blogging Benefits

Kung mapapansin mo maraming Pilipino na ang gumagawa ng blog , kasi alam natin na maraming benefits ang nabibigay ng pag-bo-blog, at yan ang pag-uusapan na tin sa post na ‘to.
Kung ano ang benefits na makukuha mo kung magboblog ka at kung ano ang magiging impact nito sa work at business na ginagawa mo.

BLOGGING BENEFITS

 1.  Leadership – Importanteng malaman mo na sa kahit anong line of business man ang ginagawa mo ngayon kailangan mong maipakita sa mga customers, audience or prospects mo na ikaw yung tipo ng leader na nagpoprovide ng value sa kanyang mga customers. Ang pinaka-ayaw kasi natin diba ay yung marketer na i-coconvince ka tapos kapag bumili ka na ng kung ano man ang inooffer nila pababayaan ka na lang. Ayaw natin ng ganun kaya as much as possible kailangan nagtuturo at nag poprovide tayo ng mga valuable information sa mga team member and downlines natin.

  2. Online Presence – Dahil nasa internet lang lahat ng values na binibigay mo sa mga prospects mo, mas marami ang possibleng makakita ng mga pinoprovide values, hindi mo na kailangang magpakahirap at magpakapagod na pumunta sa office araw-araw para makipag usap lang sa mga members ng team mo. Kung may important information ka na gusting iparating sa kanila, gawa ka lang ng blog post tapos share mo sa kanila ang link.

  3.  Information Storage – Ganito ang isipin mo, hindi ba nakakasawang paulit-ulit mong sinasabi o dinidiscuss ang isang bagay? Eto ang maganda jan, if ever meron ka nang bagong team members hindi mo na kailangang ulit-ulitin ang mga bagay na nadiscuss mo na, ibigay mo lang ang link ng post na kailangan ng new member mo, problem solved. Mas nakatipid ka pa ng oras tama ba?

 4.  Feedbacks – Isa sa pinaka-crucial element ng business na ginagawa mo ay ang feedback ng mga customers mo, dahil sa feedback nila malalaman mo ang mga areas na pwede pang i-improve. May consistent progress at yan ang magbibigay ng pintuan para sa mga bagong ideas and strategies na pwede mong idag-dag sa business na ginagawa mo.

 5. Lead Generation – through blogging you stand-out from the rest of the crowd, mas napapansin ka sa competition. Sa tingin mo, kanino kaya sasali si Mark? Kay Berto na namimigay ng flyers o kay Carl na may sariling blog site? Keep the answer for yourself.

Insider Tip: People are after the content, not the design. Focus on creating contents that your audience can relate.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento